FAQu!

September 25th, 2008 by BURAOT

Sino si Kulapo?

spacer Malay ko. Ang alam ko lang, kopong kopong pang pangalan yun. Dabarkads ni Mahoma, at kainuman ni Sun Yat Sen at ni Padre Damaso.

Kagaya nina Kopong Kopong, hinagilap ko din kung nasaan ang kumag. Ipinagtanong ko din naman kung sino sya. Nalaman ko na si Kulapo ay isang komiks character noong bago pa napadpad at naghara-kiri ang mga sakang sa mga aplaya ng Pilipinas. Nalaman ko din na di na pala original ang Anak ni Kulapo. Dahil sa sobrang hinagpis na inabot ng mga comfort women sa mga sakang, libangan nila ang magbasa ng Anak ni Kulapo.

Sino naman ang me pakana ng site na ito?

Sempre si Buraot. Sya ang bida dito dahil site nya ito. Kung gusto mo ring maging bida, magtayo ka rin ng site mo. Si Buraot ay isang talipandas na pagala-gala sa umay kanto ng may kanto, malamang sa may Recto. Sa mga oras na wala syang magawa sa buhay, ito ang kanyang parausang oras. Kung katulad ng ibang mga nagtataka at naghahanap ka rin ng piktyur nya, gudlak. Kahit na pakaway-kaway sya sa TV, mahiyain sya sa personal.

Me reklamo ka?

Lahat ng sama ng loob mo, hinaing, suhestyon, kuro-kuro, apila at kung anu-ano pang achuchuchu, welkam dito.

Maglagay ka lang ng komento sa lahat ng anik-anik na makikita mo gaya ng chatbox sa gilid ng blog na ito, o kaya naman ay magiwan lang ng kumento sa kahit aling post pati na rin dito. Kung nahihiya ka naman at kahiya-hiya ang sasabihin mo, pwede kang sumulat kay Buraot at ipadala mo sa Timbuktu o kaya naman ay sa buraot@anaknikulapo.com.

P.S.

Kung mangungutang ka naman, 20% ang tubo, five gives.

-Ang Anak ni Janice Kulapo.

  • Share mo mukha mo dito:
gipoco.com is neither affiliated with the authors of this page nor responsible for its contents. This is a safe-cache copy of the original web site.