Love & Relationships

Have you fall in and out of love? It hurts, I know.

My Fact Sheet

Fact. There is something about me, I guess.

Poetry & Scribbles

Read between the lines. Rhyme with the world.

Random Thoughts

Whatever. Anything goes under the sun.

Sex and Everything

It is not just about sex. Is it? Let’s talk about something else.

Home » Blog Contest, Faith & Fate, Family Matters, Love & Relationships, My Fact Sheet, Overseas & Homeland, Social Issues

Ang Bakal na Ibon sa Himpapawid

Submitted by taga-bundok on Wednesday, 15 September 201064 Comments

spacer

Matayog ang lipad ng mga ibon sa himpapawid. Kaiga-igayang pagmasdan ang kampay ng mga munting bagwis pasalungat sa ihip ng hangin. Duon sa alapaap, sa itaas ng mga ulap sama-sama sila, isang grupo, isang pamilya. At sa kung saan mang direksyon sila dalhin ng kanilang paglipad, ang mga ibong ito’y pinagbuklod ng matibay na samahan.

Kahalintulad sana ng mga ibon na malayang nakapaglalakbay at tulad din sana nila ang pamilyang aking kinagisnan. Ngunit malayo man sa katotohanan hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na ako at ang aking pamilya’y magkakasama ring maglalakbay at mananahan sa iisang tahanan.

Sa murang edad, natunghayan ko ang paglisan ng aking ina. Nakintal na sa aking isipan ang pagkaway ko sa kalangitan habang nakatanaw sa animo’y ibong hinahagkan ng mga puting ulap. Hanggang sa ito’y mawala na sa aking paningin. Lulan ng bakal na ibon na iyon ang aking ina patungo sa bansang Malaysia. Baon ang pag-asang maiahon kami sa hirap at gayundin bitbit ang kirot sa dibdib na ako at ang dalawa ko pang kapatid ay kanyang iiwan sa lupang sinilangan.

Kasabay ng paglayo ni ina ay mga problemang umusbong sa aming pamilya. Bagamat nasusustentuhan niya ang aming pangangailangan, unti-unti namang napapalayo ang aming kaluoban sa kanya. Marahil nga hindi sapat ang salapi para pagtibayin ang pamilya para ihango sa karukhaan at marahil hindi rin makakapagpatibay ang kawalan ng presensya ng mga magulang habang kami ay lumalaki at nagkaka-isip ng walang gabay nila. Normal ng maituturing para sa iba ang magkaruon ng wasak na pamilya sanhi na rin ng ilang taong pagkakawalay ng mga Pilipinong nangingibang-bansa para makipagsapalaran.

Si ina, ilang taon din namang nangatulong at sa kanyang muling pagbalik sa amin ay maituturing na isang estranghero. Nuong ako’y bata pa lamang, kaligayahan ko na ang makatanggap ng padala mula sa kanya. Mga bagong gamit pang-eskwela, mga bagong laruan at mga kung ano-ano pang kagamitan. Hanggang duon lamang ang aking nararamdaman. Sa kanyang pagbalik panandalian muli siyang umalis patungo naman sa Taiwan.

Bunsod ng pagkawalay niya ang mga suliraning sumisira sa aming relasyon. Ngunit tulad ng isang inahing ibong nag-aaruga sa kanyang mga inakay, gayundin si ina. Lumipad muli patungo sa ibang bansa para mas matugunan ang pinansiyal naming pangangailangan. Wala man ang kanyang pisikal na presenya sa amin ay hindi naputol ang ugnayan. Sa mga liham na naka-ipit sa bawat kahon na kanyang ipinadala ay mga katagang “mahal na mahal ko kayo”. Duon unti-unti ko ring naunawaan kung bakit kinailangan niyang mag-alaga kahit na hindi naman niya kadugo. Sa bawat paglipas ng panahon, mas pinapaunawa ng aking ina ang hirap na kanyang dinanas, ang pangungulila sa amin, ang pagmamahal na walang patid niyang ipinaaabot mula sa kabilang panig ng daigdig. Muling binuo ni ina ang aming pamilya sa pamamagitan ng kanyang walang sawang pag-ibig para sa kanyang mga anak.

Dumating na rin ang panahon na kanyang pag-uwi. Ngunit tulad ng inaasahan, ang kanyang mga inakay ay may kanya-kanya na ring buhay na dapat atupagin. Natuto na rin kaming humayo at makipag-sapalaran sa bawat hampas ng hangin at sa dagok ng buhay. Sa pag-uwi ni ina ay siya namang pag-alis ni kuya sa amin upang mamungad sa ibang tahanan. Bumuo ng sariling pamilya sa edad na dise-nuebe. Magkagayunpaman, hindi nagpatinag si ina sa panibagong unos na aming kinaharap. Mas pinagtibay niya ang kanyang luob at pinanindigan ang pagiging isang ina. Pinunan niya ang mga panahong nawaglit kami sa kanya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil umuwi man si ina kinailangan ding ako at ang aking mga kapatid ay iwanan siya.

Anim na taon na rin naman ako dito sa disyerto ng Kuwait. Dito mas malayo man ako sa aking ina ay mas naramdaman ko ang kanyang paghihirap. Mas naunawaan ko ang kanyang pangungulila, ang kanyang pagmamahal at ang bawat yakap na kanyang iginawad nuong kami’y huling nagkasama. Si bunso naman, tatlong taon ng nakikipagsapalaran sa Dubai. Si kuya, sa buwang ito nama’y lilipad na rin patungong Saudi.

Sabi ni ina sa isang mensahe mula sa kanyang selepono, “Mas mabuti na rin sigurong mapalayo ang kuya mo sa kanyang pamilya. Dahil dito mas madalas silang makakapag-usap ng kanyang mga anak.” Isang simpleng mensahe mula sa isang ina sa kanyang anak. Isang mensaheng kung tutuusin ay may mas malalim na kahulugan.

Wasak man ang aming pamilya, wala man kaming amang kinagisnan at wala man si ina sa aming tabi, sadya man kaming magkakalayo sa isa’t-isa, hindi nagkulang si ina na ipaunawa sa amin ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumisan. At ngayon ngang kami naman ang lumayo sa kanyang piling, nagtagumpay siyang pagtibayin ang aming luob na anumang hirap sa ibang bansa ang pinakamahalaga ay ang dahilan kung bakit kailangang magsakripisyo at makipagsapalaran. Iyon din ang dahilan upang magpatuloy na kayanin at harapin ang buhay. Ang walang sawang pagmamahal na ang tanging minimithing kapalit ay mga ngiti sa labi at pag-ibig sa pamilya.

Ang bakal na ibon sa himpapawid tulad ng mga ibong malayang nakapaglalakbay sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang bakal na ibon na ito ang naghatid at maghahatid sa bawat miyembro ng pamilyang OFW na may tangan na pag-asang liliparin nila ang kalangitan upang buuin ang mga pangarap. At sa huling pagdapo ng ibong gawa sa bakal, sa muling paglapat ng mga paa sa lupang kinagisnan ang pagsalubong ng isang pamilya na nag-aantay sa matibay na tahanan ng bawat Pilipino.

spacer

"Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation."

Ito ay pakikibahagi para sa taunang Pinoy Expats / OFW Blog Awards. Ang tema para sa taong ito: “Pagtibayin ang Pamilyang OFW: Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan”.

Pindutin ang link para bumoto:
PEBA 2010 Nominees

Basahin ang iba pang artikulo:
PEBA 2010 Blog Entries

64 Comments »

  • Pong said:
    spacer

    spacer spacer

    “At sa huling pagdapo ng ibong gawa sa bakal, sa muling paglapat ng mga paa sa lupang kinagisnan ang pagsalubong ng isang pamilya na nag-aantay sa matibay na tahanan ng bawat Pilipino.”

    alam mo boss dahn popong pogi kinilabutan ako ng tunay dito.
    at ang pagtawag mo ng “ina” ay tumatak sa akin.

    yan homesick na ako.

    Congrats dito kuya dahn, asahan mo suporta ko sa entry mo. Be blessed!

    - 15 September 2010 at 2:01 pm
  • admin (author) said:
    spacer

    spacer spacer

    Popong galapong pogi, salamat ng marami. Sana nga maaprubahan ng PEBA ang entry kong ito. Pwedeng-pwede ka ring makibahagi dahil isa kang Proud OFW dian sa Saudi. Click mo yung image sa taas. :]

    Malapit ka na rin namang umuwi eh… next year. Sana magkita tayo sa ‘Pinas para malibre kita sa Jollibee. Hehe. spacer

    - 15 September 2010 at 2:47 pm
  • The Pope said:
    spacer

    spacer spacer

    Isang madamdaming panulat kung saan binigyan diin ang sakripisyo at pagtitis ng bawat myembro ng pamilyang OFW na kung saan ang pangingibang bansa ay nagsalin lahi mula sa ina hanggang sa mga anak dahil sa pakikibaka sa kahirapan at hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na muli silang magkakasama-sama sa takdang panahon.

    Maraming salamat sa paglalahad ng bahagi ng iyong buhay sa pamamagitan ng blog bilang Nominado ng PEBA 2010.

    Nawa’y pagpalain ka ng Maykapal.

    - 15 September 2010 at 2:59 pm
  • admin (author) said:
    spacer

    spacer spacer

    Maraming salamat po The Pope.

    Nasasabik na nga akong umuwi sa susunod na taon. At sa pagkakataong ito ipadarama ko naman ang pagiging isang anak sa piling ng aking ina.

    Pagpalain din po kayo ng Dakilang Lumikha gayundin ang PEBA at ang bumubuo nito.

    - 15 September 2010 at 3:15 pm
  • lio loco said:
    spacer

    spacer spacer

    tangina pre, sapul na sapul! andami pala nating pagkakahawig.

    nangibang-bansa ang mommy ko nung bata pa lang kami para makapag-aral kaming dalawa ng utol ko. ‘yun ‘yung panahong nagkahiwalay na sila ni daddy. kaya nga parang wala na rin akong nakagisnang tatay kasi bata pa kami nung naging parte kami ng isang pamilyang basag.

    pero hindi ko naman ikinakahiya ang madilim na parteng ‘yun ng buhay ko. naniniwala akong kung anuman ang pinagdaanan natin eh nakatulong para mahubog ang kung anumang katauhan meron tayo ngayon.

    at ginawa ko nang blog post ‘tong comment kong ipapadala ko kay ate charo. sori na, nadala lang.

    all the best parekoi! spacer

    - 15 September 2010 at 3:20 pm
  • kayedee said:
    spacer

    spacer spacer

    gudluck sayo dooo mwahugz!

    - 16 September 2010 at 6:09 am
  • duking said:
    spacer

    spacer spacer

    kaya minsan,hindi sapat lang na tawaging bagong bayani yung mga OFW dahil higit sa kabayanihan at kadakilaan,higit pa s sarili nilang buhay ang nakataya sa bawat pagsakay nila ng mga bakal na ibon.kasama na rito ang mga pamilya nilang iiwan.

    sana,sana,dumating ang panahon na wala nang kahit sino ang sasakay sa mga ibong bakal para sa ibang lupa maglingkod kapalit ng sahod para sa mga iniiwang mahal sa buhay.

    - 16 September 2010 at 7:44 am
  • tacio said:
    spacer

    spacer spacer

    wala nang sasarap pa sa paglipad ng ibong bakal kung dala nito ang pag-asa na iuuwi sa bayang sinilangan.

    - 16 September 2010 at 8:31 am
  • J.Kulisap said:
    spacer

    spacer spacer

    Hmmmm.

    Kung bakit maganda ito.

    Dahil naging totoo ang sumulat nito. Hindi ito kathang isip kungdi karanasan ng sumulat.

    Goodluck

    - 16 September 2010 at 10:21 am
  • WP said:
    spacer

    spacer spacer

    Naiintindihan ko at nararamdaman ang bawat salita na ginamit mo sa iyong kwento. Harinawa’y maging daan ito para mas maintindihan ng bawat miyembro ng ating pamilya ang istorya sa likod ng pera at kahon na ipinadadala nating mga OFW. Hayyyy.

    Pers taym ko dito.

    - 16 September 2010 at 12:56 pm
  • ysabelle said:
    spacer

    spacer spacer

    Malungkot tlga ang buhay ng mga ofw..nawa’y mapanatili ninyong matatag ang inyong kalooban habang kayo’y malayo sa inyong mga minamahal…good luck d2 sa entry mo..

    You have my vote spacer

    - 16 September 2010 at 4:54 pm
  • J.Kulisap said:
    spacer

    spacer spacer

    Sino si Ysabelle Anj? Supporter mo?

    Nakakaselos naman. Wahahahha

    - 17 September 2010 at 3:58 am
  • salbehe said:
    spacer

    spacer spacer

    Nakakalungkot. Alam ko ang pinagdadaanan mo kahit wala ako sa ibang bansa. Basta. Ayaw ko magkwento, baka dumahak ang dugo, pawis at luha.

    - 17 September 2010 at 6:54 am
  • Mr. Thoughtskoto said:
    spacer

    spacer spacer

    Touching ang entry mo, the lines that starts from here, I really like it “Wasak man ang aming pamilya, wala man kaming amang kinagisnan at wala man si ina sa aming tabi, sadya man kaming magkakalayo sa isa’t-isa, hindi nagkulang si ina na ipaunawa sa amin ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumisan…”

    Goodluck and thanks again for joining PEBA!

    - 17 September 2010 at 8:43 am
  • aninipot said:
    spacer

    spacer spacer

    hmmmm…. iniisip kung nabasa ko na ito pero sa ibang pagkakataon, sigoro sa mga dati mong bahay iba nga lang ang mga salitang ginamit pero ang sasabihin ko talaga…wala ka paring kupas kuya, mahusay mong nailalapat sa bawat kwento ang emosyong meron ka.

    - 17 September 2010 at 9:24 am
  • Joyo said:
    spacer

    spacer spacer

    sobrang nakarelate ako dito… ang buhay ng OFW ay maraming isinasakrispisyo… pagsakay mo sa bakal na ibon na yan nandong ang bigat ng puso mo dahil sa iyong mga iiwan, ngunit gagawin mo ang lahat ng ito nang dahil din sa kanila…

    10 years old pa lang ako ng nag-umpisang mag-abroad ang aking ama, hanggang ngaun hindi kami nagkukumpleto sa hapag kainan sa tuwing sasapit ang pasko, bagong taon at mga kaarawan ng bawat miyembro…. nakasanayan na namin pero gaya mo umaasa pa rin ako na balang araw, sa takdang panahon magkakasama-sama rin kami…..

    - 17 September 2010 at 11:10 am
  • bonistation said:
    spacer

    spacer spacer

    goodluck bro! ngayon alam mona ang pakiramdam ng nasa abroad, mas mauunawaan mo ng husto ang pinagdaanan nya =)

    - 17 September 2010 at 9:12 pm
  • cheese said:
    spacer

    spacer spacer

    base lang at happy birthday! busy mode pa di makapagbasa.

    - 17 September 2010 at 11:01 pm
  • Leemi said:
    spacer

    spacer spacer

    Pare, tinamaan ako ng magaling!!

    ang tahimik ng salaysay pero gustong kumawala ng luha ko..
    buhay OFW, akala nila madali, mabilis ang pera, akala nila masaya.. dito mo mararanasan yung matuto kang mag isa. Kumain ng kaya mong lutuin, matulog mag isa, mag alaga sa sarili kapag nagkakasakit, malayo sa pamilya. Sa lahat ng ‘to, lagi pa rin tayong umaasam na balang araw uuwi tayo sa Lupang Sinilangan, kasama ang ating mahal sa buhay, buo. walang alinlangan. Sa oras na yun.. sa panahong yun. sa pilling N’ya dun ko masasabi talaga.. finally, Im Home.

    - 18 September 2010 at 1:40 am
  • beeftapa said:
    spacer

    spacer spacer

    sana dumating na yung araw na sabay sabay kayong dadalhin ng ibong gawa sa bakal pabalik sa inyong tahanan. sama-sama.

    - 18 September 2010 at 9:16 am
  • Mineas said:
    spacer

    spacer spacer

    ang gaganda ng melancholy ng mga bloggers na nasa ibang bansa, you define lonesome, in a whole new level, yung salitang “miss” at “homesick”, kapag nababasa sa mga post ninyo… hays.

    - 19 September 2010 at 5:03 pm
  • jongskie said:
    spacer

    spacer spacer

    naiboto na kita spacer woohoo

    - 20 September 2010 at 7:42 am
  • shakira said:
    spacer

    spacer spacer

    huwaw Kuya zay!!! halimaw ka!! nkakaiyak naman namiss ko tuloy si iNa hay…. mis sko tuloy boNding naten sa neT pag walang magawa.pag wala ka Jobe super net.. ramdam ko dun HOmesick naten heheheh!! thank U nga pla sa pang aalIW The best ka KUya! hahaha

    Pag GRad ko KUya.. gusto ko din sumakay sa bakal na iBon sa HImpapawid.. PWa mkatulong na din hayyyyyyyyyyy…

    Kaiyak talaga tnxz sa pg inform saken d2 Apir!!!

    - 20 September 2010 at 2:10 pm
  • Marilou delos Reyes said:
    spacer

    spacer spacer

    mahusay na likha dodz… tagos sa puso ang bawat katagang namutawi sa iyong akda. tunay na kapag puso ang pinairal sa pagsulat ng isang sulatin, mararamdaman ang lalim na nalikha nito sa puso at damdamin ng bumabasa… bilang kaibigan, nanariwa sa akin ang mga panahon na nagpapalitan tayo ng mga ideya at karanasan sa isang sulok ng ating silid-aralan. Isang tunay na Danilo Jacob, Jr ang nakita ko sa iyong katauhan na kahit puno ng kalungkutan ang iyong mga mapapanglaw na mata, patuloy ka pa ring bumabagtas sa iyong landas na nais tahakin… pilit nilalalabanan ang mga matitinding bagwis sa buhay… at ngayon, hindi nga ako nagkamali…. isang Danilo Jacob, Jr na ang nakikita ko ngayon na buo na ang pagkatao, binuo ang iyong pagkatao ng mga karanasang naghulma sa’yo upang maabot mo ang rurok ng tagumpay na iyong inaasam-asam… maligaya ako sa narating mo ngayon… at patuloy na maghahangad ng kaligayahan para sa iyong kinabukasan…

    P.S.

    hanggang ngayon ay nagagamit mo ang mga natutunan natin sa ating Journalism Class! proud to be a protige of mam torres =) hope you win this competition.. =)

    - 21 September 2010 at 2:54 am
  • Len said:
    spacer

    spacer spacer

    hndi pa ako tapos magbasa, ang haba kasi eh.. balik po ako.. spacer

    - 21 September 2010 at 2:15 pm
gipoco.com is neither affiliated with the authors of this page nor responsible for its contents. This is a safe-cache copy of the original web site.